Mitsubihi bumaliktad sa Pasay; 4 sugatan

SUGATAN ang apat na katao matapos bumaliktad ang sinasakyan nilang kotse na Mitsubishi Gallant na may plakang TTK-661 sa Circulo del Mundo Rotonda sa Pasay City kaninang madaling-araw, Setyembre 30.

Ayon sa traffic enforcer na si Alvin Pescador, nagyari ang aksidente kaninang mag-aalas sais ng umaga kung saan tatlo sa mga sakay nito ay dinala kaagad sa Makati Medical Center samantalang ang isa ay sa pinangyarihan na mismo ginamot.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa aksidente para malaman ang naging dahil ng pagtihaya ng kanilang sinasakyan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply