Miyembro ng Bolt Cutter Gang utas sa engkwentro

PATAY sa engkwentro ang isang miyembro ng Bolt Cutter Gang nang kumasa ito sa pulisya sa Trece Martirez City sa Cavite, kaninang madaling araw.

Sinabi ni Chief Inspector Gil Torralba ng Cavite Provincial Intelligence Office, na naganap ang engkunwetro dakong alas-4:00 ng madaling araw habang ang naturang grupo ay pinapasok ang isang tire supply shop sa Barangay Hugo Perez.

“Sakay sila ng FX na walang plaka. Nang sinita namin pinutukan kami ng mga suspek. Nagkaroon ng palitan ng putok. Isa ang namatay sa kanila at ang dalawa nakatakbo,” ayon sa opisyal.

Ani Torralba, hindi nakilala ang napatay na nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Napag-alaman din kay Torralba, na ang notoryus na grupo na kilala sa paggamit ng bolt cutters para sirain ang kahit na malalaking kandado ay iniuuganay sa ilang panloloob sa lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumabas na nasira na ng grupo ang kandado ng nabanggit na shop pero hindi pa napapasok.

Tiniyak rin ni Torralba na walang nasugatan sa panig ng mga awtoridad sa nasbaing sagupaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply