MMDA enforcers nag-rally para sa binaril na kasama

NAGSAGAWA ng rally ang mga traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa harapan ng Mandaluyong City Hall of Justice bilang simpatiya sa kanilang kasama na binaril at malubhang nasugatan ng isang motorista na lumabag sa batas trapiko.

Sakay ng kanilang mga motorsiklo at nakasuot ng kanilng asul na uniporme, habang hawak ang mga plakards ay umapela ang mga enforcers para sa hustisya sa kanilang kasamang si Larry Fiala na nananatiling nasa ospital matapos barilin ng limang beses noong Miyerkules, Setyembre 7, ng suspek na motorista na nakilalang si Edward John Gonzales na sinita ni Fiala sa paglabag sa number coding scheme.

Naaresto naman ang suspek ilang oras matapos ang pamamaril ng PNP Highway Patrol Group at kinasuhan ng frustrated murder at direct assault upon a person of authority.

Ayon sa huling ulat, pansamantalng nakalaya ang suspek na si Gonzales makaraang makapaglagak ng P200,000 piyansa. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply