MMDA maghihigpit sa pananamit ng public drivers

MAHIGPIT na pinababantayan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa mga traffic enforcer ang mga tsuper ng bus na patuloy na sumusuway sa itinakdang dress code, partikular ang pagsusuot ng sapatos.

Ayon kay Tolentino, isa sa panuntunang ipinatutupad ng ahensiya ay ang tamang pagsusuot ng damit at sapatos ng mga tsuper ng pampublikong sasakyan, hindi lamang para maging malinis sila sa pananaw ng mga pasahero kundi upang maging maayos ang kanilang pagmamaneho.

Sinabi ni Tolentino na palaging ikinakatuwiran ng mga tsuper na nasasangkot sa mga aksidente sa lansangan ay ang pagkawala ng preno ng minamaneho nilang sasakyan gayung ang ilan ay kapalpakan ng mismong tsuper.

Posible umanong hindi kaagad natatapakan ng maayos ng tsuper ang preno ng kanilang sasakyan lalo na kung nakasuot lamang ang mga ito ng tsinelas. Madalas aniya ay nasasabit pa ang suot na tsinelas sa pagtapak nila sa preno kaya’t nagaganap ang aksidente.

Kung matatandaan noong panahon pa ni dating MMDA Chairman Bayani Fernando ipinatupad ang tamang kasuotan ng mga tsuper ng pampublikong sasakyan subalit marami pa ring sumusuway dito.

Pagmumultahin ang mga drayber ng pampublikong sasakyan na mahuhuling hindi wasto ang kasuotan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply