Modus ng ‘professional squatters’ tutuldukan ng Senado

NAKATAKDA nang sugpuin ng Senado ang modus operandi ng mga “professional squatters” na nananamantala ng bakanteng lote partikular sa pag-aari ng gobyerno upang makakuha ng relocation funds ngunit lumilipat lamang sa ibang lugar.

Inihayag ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na tutugunan ito sa paglikha ng Department of Housing and Urban Development (DHUD) na nakatakda nang pabilisin ang pinal na panukalang batas na siyang magsisilang sa ahensiya.

Ayon kay Marcos, layunin ng panukala na tugunan ang lomolobong pangangailangan sa urban poor housing (iskuwater), magkaroon ng regulasyon sa paglago ng sentrong urban at maiwasan ang pagkasira ng kapaligiran.

“Masasabi natin na bagsak ang kasalukuyang programa sa pabahay upang tugunan ang kasalukuyang pangangailangan sa pabahay partikular ang pagsugpo sa iskuwater. Dapat tanggapin natin na walang binatbat ang ating nagawa kaya ito ang nagtulak sa akin upang pabilisin ang finalization ng Senate bill na siyang magsisilang sa DHUD,” ayon kay Marcos.

Sinabi pa ni Marcos, chairman ng Senate committee on urban planning, housing and resettlement, na kapag nabuo ang DHUD ay magdudulot ito ng core capacity na kailangan upang mapaunlad ang pamamahala sa sektor at tugunan ang isyu at hamon ng sektor dulot ng mabilis na urbanisasyon, hindi makontrol na paglago ng urban, tumataas na kahirapan at bumabagsak ng urban environment.

“The department will enable the government to address these problems through the formulation and implementation of the necessary reforms, sector policies and program interventions that will mobilize public and private resources and ensure their synchronization,” giit ni Marcos.

Hinikayat din ni Marcos ang pribadong sektor at stakeholder sa pabahay na aktibong lumahok sa pro-poor housing program na magtatayo ng low-cost housing sa presyong pang-merkado sa ilalim ng city-wide urban development program ng pamahalaang lokal.

“I believe that OSHDP is an active advocate of social change and I commend you for taking the lead in the formidable challenge of housing the poor. I do not want to sound repetitious and I believe it is also my role as chairman of the Senate committee on urban planning, housing and resettlement to urgently encourage you to continue and intensify your active participation in HUDCC now and in the DHUD when it is established and in operation,” giit pa ni Marcos.

Pangunahing tagapagsalita si Marcos sa ginanap na 2nd National Convention of the Organization of Socialized Housing Developers of the Philippines-Housing and Urban Development Coordinating Council (OSHD-HUDCC) na ginanap sa Holiday Inn, sa Mimosa Leisure Estate Clark Freeport, Pampanga. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply