‘Most dangerous passenger bus’ madadagdagan pa

POSIBLENG madagdagan pa ang bilang ng itinuturing ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na “most dangerous bus company” o ang mga kompanyang may pinakamaraming bilang ng aksidente.

Sa panayam, sinabi ni LTFRB Chairman Jaime Jacob na ang pinagbatayan lang ng nasabing listahan ay ang rekord ng ahensya.

Ayon kay Jacob, maaari pang madagdagan o maiba ang ranking kung makukuha nila ang listahan ng mga insurance company na kinukunan ng claims ng mga biktima.

Sa harap nito, pinagbabatayan rin umano nila ang mga madudugong aksidente na kinasangkutan ng kompanya sa pagkuha o pag-renew ng lisensya.

Nangunguna sa listahan ng ay ang Admiral Transport, sinundan ng Nova Auto Transport, Jam Liner, Gasat Express, Joyselle Express, Philippine Corinthian Liner, Rainbow Express, Alberto Carating Bus Company, Alps at CEM Transport.

Nangunguna rin ang Admiral Transport sa listahan ng may pinaka-maraming nasugatang pasahero, kasunod ang Nova Auto Transport, Jam Liner, Gasat Express, Joyselle Express, Mayamy Transport, Pascual Liner, Philippine Corinthian Liner, Rainbow Express at CEM transport.

Sa damage to property, una naman sa listahan ang Don Mariano Transit na sinundan ng Nova Auto Transport, Gasat Express, Mayamy Transport, Pascual Liner, Rainbow Express, Roval Transport, EP Liner at CEM Transport.

Sa mga provincial bus, umabot sa 31 ang kinasangkutang aksidente ng Victory Liner mula noong 2009 na naging sanhi ng kamatayan ng 15 drayber nito.

Tuloy naman ang kampanya at seminar ng LTFRB na naglalayong turuan ang mga drayber sa pagmamaneho ng tama upang maiwasan ang mga aksidente sa lansangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply