‘Most wanted’ kidnapper nalambat ng PACER

NASAKOTE ng Police Anti-Crime and Emergency Response (PACER) ang isa sa mga tinaguriang “most wanted” na kidnappers na pinaniniwalaang responsable sa may tatlong kaso ng kidnap for ransom sa Metro Manila noong 2009.

Kinilala ang suspek na si Reil Maltos alias “Yekyek” na miyembro ng Bello group na siyang kumidnap ng dalawang Pilipinong estudyante ng International School sa Taguig City noong Marso 2009.

Responsable rin umano ang grupo sa pagdukot sa isang Chinese-Filipino na negosyante noong Oktubre 2009 at isang Chinoy na bankero noong Pebrero 2009, kapwa sa lungsod ng Quezon.

Natunton ang suspek na si Maltos sa kanyang pinagtataguan sa Barangay Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan matapos makatanggap ang PACER ng impormasyon mula sa isang tipster na nagmamalasakit.

Si Maltos na may P250,000 na pabuya sa kanyang ulo ay inaresto ng mga miyembro ng PACER sa bisa ng isang warrant na inisyu ni Judge Leili Suarez ng Taguig City Regional Trial Court Branch 163.

Ayon kay Senior Supt. Isagani Nerez, hepe ng PACER, ilang buwan ding pinag-aralan ng mga awtoridad ang impormasyong nakalap bago nabuo ang eksaktong lokasyon ng lungga ng suspek at sa ngayon ay sumasailalim na ito sa tactical interrogation sa posibleng malaking sindikato at mga kasama na gumagala pa at nambibiktima. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply