Motel sa QC naitayo kahit na walang occupancy permit

MAYROON na naman daw itinatayong isang motel na nagsisilbing ‘lungga’ ng mga magsing-irog na nagka-kangkangan diyan sa Cubao, Quezon City.

Ang balita ko, ang motel na ito ay nag-ooperate nang wala man lamang occupancy permit na ipinakikita mula sa Quezon City Hall na malinaw na paglabag sa itinadhana ng Building Code.

Ang tinutukoy nating motel ay itong Vista Hotel sa Edsa cor. Arayat sts., Barangay San Martin de Porres, Cubao, Quezon City.

Sa pagkakaalam ko, ang Occupancy Permit ang isang rekisito sa Building Code. Hindi puwedeng mag-operate  ang isang gusali nang walang maipakitang Occupancy Permit.

Ang pinagtatakhan ko ay kung paanong nakapag-ooperate ang Vista Hotel kung wala itong Occupancy Permit mula sa city hall. Aba’y, matagal na umanong nag-ooperate ang hotel na ‘yan nang wala man lamang ipinakikita na nasabing permit.

Aba, paanong nakalulusot ang ganitong kabaluktutan sa pamunuan ni QC Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista nang walang ka-alam-alam ang nasabing alkalde?

Dapat lang sigurong paimbestigahan ni Mayor Bistek ang tanggapan ng Business Permit and Licensing Office kung paanong nangyari na nakapag-ooperate ang naturang motel nang walang Occupancy Permit mula sa kanilang tanggapan?

Sex trade sa Lapu-Lapu sauna

PATULOY ang operasyon ng sex trade sa Lapu-Lapu Health Palace sa Buendia, Pasay City.

Hindi pa rin kumikilos si Pasay City Mayor Tony Calixto para supilin ang lantarang pangangalakal ng mga katawan ng mga sauna attendant. Ano ba yan…….?

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 091892-74764,09266719269 o e-mail sa juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply