Moti Arceo, JDR ng Pasay at Capt. Mike Castro ng PRC

LIMPAK-LIMPAK ang pinatatalo ni Capt. Mike Castro ng Professional Regulatory Commission sa Casino.

Yan ang sumbong ng ating uzi makaraang makita nito kung gaano kalaki ang isinusugal ni Capt. Mike Castro ng PRC.

HINDI NA  MAKAPAGTRABAHO

Halos hindi na raw makapasok sa opisina si Capt. Mike Castro dahil puyat ito sa pakikipagbakbakan sa poker sa loob ng Resort World Casino.

Aba! ‘Di puwede yan!

SAAN GALING ANG PERA

Saan kaya kumukuha ng pera itong si Capt. Mike Castro sa tuwing magsusugal ito?

Dati na ba itong mayaman? O sa mga review center siya nagdedelihensiya para lang may pantustos sa kanyang bisyo?

Wag naman sana… Dahil darami ang bobong seaman na makararating sa ibang bansa na kadalasan ay nadidisgrasya dahil sa kawalanghiyaan ng ilang gagong opisyal ng bansa.

MALINIS ANG PASAY

Isang tawag ang natanggap natin kamakalawa kay dating Pasay City Councilor at ngayo’y Traffic Bureau Chief Moti Arceo.

Sinasabi n’ya na walang katotohanan ang ating naisulat na nagkalat ang iligal na terminal d’yan sa Pasay at lalong hindi raw nila kinukunsinti ang iligal na sugal.

Isang Jenel ang itinuturo nitong nagbibigay ng proteksiyon sa mga iligal na pasugalan na bata raw ng isang JDR.

Para bang pinatutukuyan nitong si Moti ang dating kaibigan ni Mayor na si Jorge del Rosario.

SINO SI JORGE DEL ROSARIO

Para sa kaalaman ng ating mga uzi, si Jorge del Rosario ay kilalang bigtime sa Pasay na tumulong kay Mayor Antonio Calixto kung kaya’t nanalo ito noong nakaraang eleksyon.

Ito rin ay isa sa may-ari ng Panasonic Philippines at isa rin sa may-ari ng Kawasaki Philippines.

Sa madaling salita talagang BIGTIME!

MANIWALA KA SA AKIN

Ilang ulit sinambit sa ULTIMATUM ni Moti ang salitang “pare ‘di kita bobolahin, maniwala ka sa akin.”

Naniniwala naman po ang ULTIMATUM sa sinasabi ni Moti dahil sa matagal na nating kaibigan ito.

Pero ang atin lang pong ipinagtataka ay kung bakit nagsusumiksik siya at nakikialam sa Anti-Vice Task Force, samantala’y sa parking bureau siya nakadestino.

‘Wag mong i-deny, Brod, dahil habang kausap mo ako eh sumigaw ka pa nga bigla sa kabilang linya nang mga katagang …“Tingnan n’yo nga kung totoong may sakla sa Maricaban. Hulihin n’yo ha!”

Bakit kailan pa nagkaroon ng karapatan ang traffic enforcer na manghuli ng sakla?

Only in Pasay, ‘di ba?

MAS KAILANGAN NIYA NG PERA

Para bang sinabi ni Moti na mas kailangan ng BIGTIME na si Jorge del Rosario ng pera kaya pati sugal-lupa ay pinakikialaman, ‘di gaya niya na wala namang kinukuhanang hanapbuhay kaya “malinis” siya.

Mukhang mali ata!

DEL ROSARIO ANG NANGHIHINGI

Sa tuwing may sasabog na anomalya sa Pasay ay itinuturo na isang Del Rosario ang nanghihingi.

Hindi ba’t merong Boyet del Rosario r’yan sa TANGGAPan ni Mayor Calixto?

Parang ‘yan din yung nanghingi sa may-ari ng Miss Universal ng P5 Milyon?

Kaya pala hanggang kasalukuyan ay hindi mabigyan ng mayor’s permit ang bagong may-ari na si Boy Bulol ay dahil sa P3M palang ang naibibigay kay Yetbo.

Atakihin ka sana uli!

HULIHIN SI TOTO LACSON

Ipinahuhuli na rin ni Moti si Toto Lacson para raw patunayan na wala silang sinisino sa Pasay City.

Pare naman, pati ba naman ULTIMATUM gagaguhin mo eh alam naman namin na ang kausap n’yo eh si Boy Macnutt at Len Aguado?

Bakit kausap n’yo yan?

Magtatayo ba sila ng kapilya sa Pasay? O sila na ang hahawak ng palarong lokal na lotteng, bookies ng karera at video karera?

ROLLY AT ALPHA

Sino naman itong si Rolly San Miguel at Arturo Fortaleza alyas Alpha na mga tinaguriang “Boy Ikot” ni Kamote?

Ito raw ang mga umiikot para mangolekta sa mga iligal na terminal.
Hindi po naniniwala ang ULTIMATUM sa sumbong na yan ng ating uzi, dahil sinabi mismo ni Moti na “Pare pinatigil na yan!”

Aba’y dati palang meron!

Kelan nag-umpisang ipatigil? Nung nabanatan?

BATA NI ENCIO MATEO

Ang pagkakakilala natin dito kina Rolly at Alpha ay dati itong mga bata ni Encio Mateo na dating bata naman ni Mayor Peewee Trinidad.

Bakit natanggal si Encio pero naiwan yung dalawang itlog n’ya.

MAGKANO?

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema

GALIT DIN SA MGA CORRUPT

Gud morning, Ka Benny! Maganda yung mga banat mo sa mga tiwali sa gobyerno. Tama yan para malaman ng buong bansa ang mga magagaling mangurakot sa bayan. More power. +63929291….

KOTONG COPS

Good eve po. Nais ko lang pong sabihin sana itong  hinaing ko.
Nakaiinis na po yung mga pulis-kotong sa Nagtahan sa Maynila. Mga bwiset. +63946419….

MUNGKAHI

To Hon. Mayor Barias ng Alfonso, Cavite. Baka po puwedeng hanggang alas- 11:30 pm na malagyan ng jeep na biyaheng mula boundary hanggang crossing Mendez. Napakalaking tulong po sa daily commuters ito. Dapat P20 lang din sa MRT at LRT. Pag pinataas pa, konte na lang ang sasakay riyan. +63930950….

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply