Motoristang nambaril sa MMDA enforcer, arestado

NAKAPIIT na sa kulungan ang motoristang sinasabing nambaril sa isang MMDa traffic enforcer kahapon sa lungsod ng San Juan.

Ang suspek umanong si Edward John Gonzalez, 30, ay inaresto gabi ng miyerkules ilang oras pagkatapos maganap ang pamamaril.

Samantalang ang MMDA personnel na si Larry Fiala ay kasalukuyang nagpapagaling sa Victor Pontenciano Medical Center matapos maoperahan ang tama ng bala sa katawan.

Inihahanda na ng MMDA ang mga dokumentong kakailanganin para sampahan ng frustrated murder ang suspek.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pinara si Gonzalez ni Fiala sa may Annapolis Street dahil sa color coding. Sinuntok umano ng suspek ang biktima at tumakbo ang una papalayo. Hinabol ng biktima ang suspek at nagpang-abot sa Connecticut Street malapit sa EDSA. Doon na umano nabaril ni Gonzalez si Fiala.

Natunton lang umano si Gonzalez dahil sa naplakahan ng mga saksi ang sasakyan nito.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply