Movie ni Carla di kaya matulad sa movie ni Maja?

HINDI kaya matulad din sa movie ni Maja Salvador ang movie ni Carla Abellana na “My Neighbors Wife”?

Matatandaang bago ipalabas sa mga sinehan ang movie ni Maja na “Thelma” ay nasangkot ang actress sa gulong kinasangkutan ng dalawang actor na malapit sa kanya.

Sa halip na makatulong sa Thelma niya ay nakasira pa dahil nilangaw ang kanyang movie sa mga sinehan.

Hindi kaya mag-flop din sa mga sinehan ang movie ni Carla dahil sa isyu nitong pagmamaldita raw diumano sa isang respetadong entertainment columnist?

Kapag parehong nag-flop ang kani-kanilang movie nangangahulungan lang na hindi na klik ang paggawa ng gimik para mapag-usapan ang isang pelikula.

Nangangahulugan din na hindi na klik sa publiko ang paulit-ulit na tema ng istorya.

***

NILINAW ni Senator Bong Revilla na hindi niya kinonsidera si Edu Manzano na gumanap na kontrabida sa pelikula niyang Panday 2.

“Para kay Philip Salvador talaga yung role na yun. Siya talaga ang first choice at hindi ibang actor. Paano ko naman iko-consider si Edu, eh, ni hindi pa kami nag-uusap hanggang ngayon?” say ni Senator Bong sa taping ng kanyang show na Kap’s Amazing Stories every Sunday sa GMA 7.

Pero bago mag-isip ng hindi maganda, mula pa nang gawin niya ang Panday ay si Philip na ang gumanap na kontrabida kaya malabong palitan ng ibang actor para di masira ang continuity ng istorya.

***

MATAPOS na matapang na ihayag ni Andi Eigenmann na ang ama ng pinagbubuntis niya ay si Albie Casino, nagsalita na rin ang young actor.“Hindi, hindi namin napag-uusapan. I just take my mind off it,” maikling tugon ni Albie na ayaw munang pagtuunan ng pansin ang ex-girlfriend at sa halip ay mas naka-concentrate ito sa kanyang papagandang showbiz  career.

Ang tanong ng ilang press, may career nga raw ba talaga?

***

NOON ay nabalitang anorexic si Kris Bernal, ngayon naman ay buntis daw diumano ito kay Jay Perillo.

“Nabasa ko nga yan, nagsusuka raw ako. Tapos nag-conclude na kaagad sila na buntis ako. Hindi ako buntis! Paano ako mabubuntis, eh, wala naman akong boyfriend?

“Hindi ko nga masabi ang salitang buntis dahil hindi bagay sa akin. Kahit ipakita ko pa ang tiyan ko, flat na flat ito!,” pahayag ni Kris.

Hindi naman itinanggi ng batang aktres na dinadalhan siya palagi ng pagkain ni Jay Perillo.

“Nagpapaalam naman siya (Jay) sa akin bago pumunta. Ayaw rin naman niyang maka-istorbo. Sinasabi ko sa kanya kung konti lang ang eksena ko,” tsika pa ni Kris.

Kain ng kain ngayon si Kris magmula nang sabihan siya ng mga kaibigan at mga press na nag-interview na sobrang payat niya.

“Hindi naman kasi ako anorexic! Kinakain ko nang lahat. Kasi kapag pumapayat ako, lumiliit ang hinaharap ko. Kapag tumataba ako, doon napupunta at sa braso ko! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Kris.

Sa isyung may relasyon na sila ni Jay Perillo.

“Hindi pa!” kaagad na tugon ni Kris.

Hindi pa raw panahon para sa kanya ang makipag-relasyon. Sa dami ng ginagawa niya ngayon malabong mangyari. Hindi na nga raw siya masyadong nakalalabas dahil sa schedule ng show, katuwiran ni Kris.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply