Ms. Angola Miss Universe 2011; Miss Philippines, 3rd runner-up

NAKUHA ni Miss Angola Leila Lopes ang korona bilang Miss Universe 2011 sa katatapos lamang na coronation nights na ginanap sa Credicard Hall sa Sao Paulo, Brazil.

Ikinagulat ng marami ang pagkapanalo ni Lopes na ayon sa mga observers ay hindi kasama sa mga early favorites.

Nakuha naman ang 1st runner-up ni Miss Ukraine, 2nd runner-up ang Brazil, habang napunta kay Miss Philippines Shamcey Supsup 3rd runner-up at 4th runner-up ang China.

Bago ang pag-anunsyo ng mga nanalo, nagbunyi na ang maraming mga Pinoy matapos na ianunsyo ang pangalan ng Miss Philippines sa Top 5.

Nagsimula ang pageant sa pamamagitan ng makulay na opening number bago inanunsyo ang Top 16 finalists mula sa 89 beauty queens na kumakatawan sa iba’t ibang bansa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply