MWSS, Maynilad, Manila Water ipinao-audit

PORMAL na inirekomenda ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy na isailalim sa komprehensibiong audit ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at ang dalawang concessionaires na Maynilad at Manila Water.

Tinukoy ng mambabatas na batay sa pagsusuri at pag-aaral ng kanyang partido ay lumalabas na mabigat ang naging paglabag ng MWSS, Maynilad at Manila Water.

Paliwanag pa ni Dy na dapat kumilos ang Department of Justice (DOJ) upang ipatupad ang deklarasyon ng Korte Suprema na public utility ang korporasyon ng water concessionaires kahit pa naisapridado ang water at sewerage service.

Giit pa ng kongresista na magagamit ng water concessionaires ang privatization para makaligtas sa audit at abusuhin ang pagtatakda ng rate rabasing na dahilan umano ng mataas na singil sa tubig.

Inudyukan din ni Dy ang Commission on Audit (COA) na magsagawa ng full audit sa Maynilad at Manila water partikular na ang tatlong rate rebasing contracts noong 1998,2003 at 2008.

Nais ni Dy na agad ipatigil ang pangongolekta ng dagdag singil sa tubig ng Maynilad at Manila water na matutukoy ng DOJ at COA na sobra sa nararapat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply