Nabubulok na bangkay nabingwit ng PCG

NASA state of decomposition na ang bangkay ng isang lalaki nang mabingwit ito ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa Ilog Pasig sakop ng North Harbor, Tondo, Maynila kaninang umaga.

Inilarawan ang biktima na nasa edad na 25 hanggang 30, 5’2” ang taas, kayumanggi, nakasuot ng t-shirt, camouflage at hinihinalang may ilang araw nang patay dahil nabubulok na ito.

Nakitaan din ng pasa sa noo ang biktima na indikasyon na humampas ito sa matigas na bagay bago tuluyang nahulog sa ilog.

Ayon kay SPO1 Giovanni Valera, dakong alas-6:00 ng umaga ng matagpuang palutang-lutang ang biktima sa tubig habang nagsasagawa ng rescue and retrieval operation ang PCG sa lugar.

Agad na iniahon ang biktima sa ilog at dinala sa PPA Westgate Tower, Philippine Ports Authority sa North Harbor, Tondo at inireport sa pulisya.

Dinala naman sa Cruz Funeral Parlor ang bangkay ng biktima para sa autopsy. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply