Nabuong bagyo sa Pasipiko nagbabanta

NABUO na ang bagyo na unang nakitang LPA lamang sa karagatang Pasipiko.

Gayunman, ayon kay Buddy Javier ng Pagasa, nasa labas na ng Philippine area of responsibility ang bagyong may international code name na “Kulap”.

Ito umano ang shallow low pressure area na galing sa loob ng karagatang sakop ng Pilipinas at patuloy na lumalayo kaya’t wala ng epekto sa bansa.

Sa kabila nito makakaranas pa rin ng mga kalat-kalat na pag-ulan ang bahagi ng Southern Luzon at Visayas.

Ito ay dahil sa epekto ng tinatawag na monsoon trough.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply