Nadine Samonte plays fire with Leandro Muñoz

SA FACEBOOK, inaamin ni Leandro Muñoz that he misses his daughter. Meaning, may anak na siyang iniwan sa Tate. Pero sabi niya wala naman siyang asawa kahit na may anak na siya.

Very unlikely, di po ba naman.

And now, umaamin na raw sina Leandro at maging si Nadine na silang dalawa na. Na nagka-in-love-an sila simula nang maging magkapareha sila sa di naman matagumpay na “The Sisters.” At least puwedeng sabihing yung pagkalugi ng TV5 sa serye nina Nadine at Leandro ay pinakinabangan naman nila dahil sila ang umaani ng tagumpay sa kanilang relasyon.

It is said na pinagsawaan na ni Nadine ang away-bating relasyon nila ni Emerson Chua na isang negosyanteng Intsik na litsonero. Matagal na silang dalawa at ang pagkakaalam ko, matagal na silang nagsasama bilang mag-asawa. Now that open na yung relasyon ni Nadine kay Leandro, hindi kaya puwedeng sabihing ito ay paglalaro ng apoy? Kung hindi man ikinasal sina Nadine at Emerson, puwedeng sabihing naging magdyowa na sila.

At si Leandro, paano na ang nanay ng anak niya sa US? Hindi kaya yun manggulo?

Puwede ba, pakilinaw lang po ang isyung ito.

****

Hindi po si James Yap: Gab Velenciano inamin na ni Isabel Oli

AT LEAST now, malaya na si Isabel Oli sa tsismis na siya’ng bagong lover ni James Yap. Paulit-ulit kasi at ayaw mamatay ng isyung after Kris Aquino, si Isabel Oli na ang nagpapasaya sa tatay ni Bimby. Although, spotted na magka-date a lot of times, the two continue denying at heto na nga, may katotohanang lumabas.

Kinumpirma na kasi ni Gab Valenciano na sila na ni Isabel Oli and that they have been going steady for two months now.

Hindi na nakatanggi pa ang pangalawang anak ni Gary Valenciano sa pangungulit sa kanya.

Sa tono ng pananalita ni Gab, parang mas seryoso siya ngayon kesa sa past affairs niya.

“I guess it’s  a combination of everything that I’ve been through with my life, bad and good. And sincerely, this time, I’m planning to learn.

“Usually, you really learn but this time, I wanna learn during. Definitely, she’s the only person that I’m seeing right now. I am very happy. Like I said, I’m excited because the way I see things now is 200 percent different from the way I was seeing things before.”

Kung dati raw, hindi lang mag-text sa kanya ang girlfriend niya, nagagalit siya, ngayon, hindi na. Kung dati ay seloso siya, ngayon daw, hindi na.

“She’s an actress so you have to live with the fact na may makaka-loveteam siya. Go, that’s what you do best, do it,” say ni Gab.

Ayon naman kay Gary V na ama ni Gab, pwede nang mag-asawa si Gab, nalampasan na ng anak ang edad niya when he married Angeli.

Nag-asawa raw siya at the age of 19. Basta raw siya, sa mga anak niya, as long as prepared na ang mga ito, walang problema sa kanya.

****

Sikat sa California, gustong gumawa ng pangalan sa Pilipinas

KAHIT nasa San Diego, California at nagpapagamot sa leukemia ailment niya si Joel Mendoza, di niya maiwasang mangumusta sa mga naiwan niyang mga bagong kaibigan na mga writers rito sa Pilipinas. Almost everyday nakatatanggap kami ng mensahe kay Joel who is now busy sa promo at pagbebenta sa mga friends niya sa Tate ng kanyang Pakinggan Mo Ako album. “So far, so good,” sabi niya sa amin sa Facebook, “Hopefully, pag-uwi ko naman diyan, bigay-todo ako sa promo ng album ko.

“Gusto ko, riyan sa Pilipinas ako sumikat, parang masarap sa feeling kung diyan ako magkapangalan,” sabi pa niya.

Joel Mendoza kasi is a celebrity in his own right sa San Diego. Kilala raw siya halos ng buong Pinoy community and everytime na may mga parties doon ang mga kababayan natin, lagi siyang imbitado. “That makes me proud, imagine me, kinakantahan ko sila palagi pag may party,” kuwento pa ni Joel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply