Nag-video sa kalabaw na nakikipagsex pinatay

MAKALIPAS ang tatlong taon, pinatay ang lalaki na kumuha ng video sa sinto-sinto na nakikipagtalik sa kalabaw at nag-upload nito sa youtube.

Nabatid na pinasok ng mga hindi pa nakilalang lalaki ang bahay ni Dionisio Quita, 44, ng Sitio Pahu, Brgy Dangulaan, Anilao, Iloilo at binaril habang natutulog.

Alas 6 na ng umaga nang natagpuan ang bangkay ni Quita sa loob ng kanyang bahay.

Una rito, makailang beses ipinatawag sa brgy si Quita makaraang itinuro na siya ang kumuha ng video sa sinto-sinto habang nakikipagtalik sa isang kalabaw.
Inamin nito ang pagkasala para pinandigan ang hindi pagturo sa mga kasamahan, bagay na ikinagalit ng pamilya ng kinunan ng video.

Hinala ng pulisya na may kinalaman sa pagkuha at pag-upload nito sa video ang pagpatay sa biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply