Nagkakagulo ang mga tauhan ni Ate Guy dahil sipsipan galore!

ANO itong naririnig namin na nagkakagulo ngayon ang mga taong nasa likod ng Superstar Nora Aunor ngayon. Mabango ngayon si Guy at kabi-kabila ang kanyang projects kaya naman ang dami ring pumapapel sa likod niya.

Balitang isang close press confidant niya ay umalis na lately sa kanyang condo unit at isa ring close colleague niya na isa sa instrumental sa pagbabalik Pinas niya ay wala na rin sa poder niya dahil sa pang-iintriga ng mga taong nasa likod niya.

Naku baka any moment, malaman na lang namin na hindi na rin pala si Kuya Germs ang nagma-manage sa kanya dahil sa pangingialam ng ibang tao. Huwag naman sana!

Piliin lang ni Guy ang mga taong loyal talaga sa kanya at wagas ang concern sa kanya. Huwag siyang magpapasulsol sa mga taong gusto lang siyang gatasan!

***

NAPAKA-ELUSIVE talaga ng Ms. Universe crown sa atin! Ilang beses na tayong nakasama sa top 5 since Gloria Diaz and Margie Moran won pero hanggang runner-up pa rin tayo. Marami ang positive na finally ay masusungkit na ni Shamcey Supsup ang korona this year. After all siya ang nag-top sa mga pre-pageant on-line voting at lagi siyang nasa top 2 if not no. 1 sa fans vote during the pageant proper. But alas, hanggang pang-third runner up lang ang tayo kahit napaka-bongga pa ang naging sagot niya sa Q & A portion of the show.

Bukod tanging siya lang ang hindi gumamit ng interpreter sa top 5 contenders pero mukhang naging balakid pa ito sa kanya. May advantage kasi ang may interpreter kasi napapaganda lalo ang sagot ng contestant. E si Ms. Angola ni hindi nga niya nagawang tapusin ang sagot niya pero siya pa rin ang win bilang Ms. U! Kaya marami ang nagsa-suggest na next year daw mag-Tagalog na lang daw ang Ms. Philippines at si Sen. Miriam Santiago raw ang gawing interpreter at siguradong mananalo na ang Pilipinas! Hahaha!

At any rate, siguradong isang instant celebrity na si Shamcey pag-uwi niya dito sa Pilipinas. At aabangan na lang namin kung siya ba ay magiging Kapamilya, Kapuso o Kapatid!

***

SA PRESSCON ng Nestle Bear Brand para kay Gov. Vilma Santos ay naikuwento niya na hindi pa sila nagkikita ni Nora Aunor simula nang dumating ito ng bansa. Kasalukuyang sa Batangas mismo nagte-taping ang “Sa Ngalan Ng Ina” teleserye ni Ate Guy under TV5. Pero dahil sa hectic sked niya bilang gobernador ng Batangas ay wala pa raw siyang time na bumisita sa set ng teleserye ni Ate Guy. But of course, bakit nga ba bibisita si Vi kay Guy?

Dapat siguro ay si Guy ang bumisita sa office ni Vi sa Batangas as a courtesy call. Pero siyempre alam nating wala ring balak si Guy na gawin ito. Parang nabuhay na naman ang Guy-Vi rivalry!

Inamin din ni Vi na may offer ang TV5 sa kanya pero ayaw raw niyang pumirma kaagad- agad dahil mas importante raw sa kanya kung anong klaseng project ang ibibigay sa kanya ng Kapatid Network.

Samantala, nakatakdang gawin ni Vi ang pelikula with Kim Chiu under Star Cinema at ayon sa kanya ito na ang huling commitment niya sa ABS-CBN.

Kaya after this ay isa na siyang free agent. Inulit niyang sabihin na willing siyang pumirma sa TV5 basta maganda ang proyekto na maibibigay sa kanya.

Kapag nagkataon, sa iisang network lang sila ni Guy mapipirmi at malaki ang posibilidad na makatrabaho sila nang magkasama!

***

SINA Solenn Heussaff at Jacky Woo ang special guests sa Bubble Gang bukas, Biyernes. Abangan ang nakakalokang Dress Tease ni Solenn ang pagiging D Interpreter ni Jacky Woo. Kasama rin sila sa Lasing Sa Reception gags at Globe (Narinig Ko Yun-Father & Daughter) commercial spoof.

Nandyan din ang Poor Kuno na spoof ng Sugod Bahay Gang ng Eat Bulaga. Plus the favorites na Pick-Up Lines, CheChe Bureche, Moymoy Palaboy (Anywhere For You-Backstreet Boys) and Bat Ganun?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply