Nagkakalyo, nagkapasa-pasa: Maja Salvador kinawawa ni Elma Muros

GRABE ang sakripisyong ginawa ni Maja Salvador sa pelikulang “Thelma.” Halos patayin niya ang kanyang sarili sa training para lamang tumagal at tumatag siya sa pagtakbo.

Nagkaroon siya ng mga galos sa paa at legs dahil sa pagtakbo na nakapaa sa isang baku-bakong daan na hindi sementado. Maging ang kanyang talampakan ay nagkakalyo at nagkapasa-pasa.

Hindi siya puwedeng magsapatos dahil ang pino-portray niyang character ay isang mahirap na tao, anak ng isang magsasaka pero may ambisyong maging isang atleta.

Si national athlete Elma Muros ang nag-train kay Maja. Pinatatakbo siya nito ng long distance nang ilang oras. Kahit pagod na pagod na siya ay tuloy pa rin ang pagtakbo. Para siyang isang tunay na pambansang manlalaro na lalaban sa ibang bansa.

Hindi raw tinitingnan ni Elma ang katayuan ni Maja kung ito man ay isang kilalang artista. Kailangan kasing maging matibay ang mga tuhod at resistensya ng dalaga upang maging makatotohanan ang pagganap nito ng naturang pelikula.

Dahil sa matinding training na naranasan ng bida sa  Thelma kay Elma, medyo pumayat ito at nagkaroon ng muscle sa binti, pero ang maganda, sumeksi siya lalo.

Hindi siya tumanggap ng talent fee sa project na ‘to. In-invest na lamang niya ito sa nasabing movie bilang isang industrial partner.

Tinanggap niya ang maging co-producer sa project na ito dahil sa kanyang paniniwala na kikita ito dahil sa ganda ng pagkakagawa nito at sa galing ng direktor na si Paul Soriano.

Ang Thelma ay produced ng Time Horizon Pictures at released by Star Cinema. Palabas na ito sa September 7 sa lahat ng paborito ninyong mga sinehan.

***

Engr. Manuel Pablico, ang religious leader na hindi mukhang pera

NAKABIBILIB si Engr. Manuel Pablico, ang religious leader ng Divine Government of God, dahil hindi siya mukhang pera katulad ng karamihan. Ang sino mang kasapi nila ay ni isang singkong-duling ay hindi niya hiningian ng pera o ano pang bagay para lamang masabing miyembro na sila ng samahan.

Bagkus, ang lahat ng kanilang miyembro ay nakatatanggap pa ng biyaya mula kay Engr. Manuel.

Kaya naman hindi na kami nagtaka kung marami man sa mga members nila ay nagmumula sa hanay ng mga taga-showbiz. Binubuo ng mga artistang wala ng ginagawang project, mga direktor at manunulat.

Sa sobrang pagmamahal ni Mr. Pablico sa kanyang kapwa, naglimbag siya ng isang mahalagang libro na may pamagat na The Sound of the Seventh Trumpet, na ayon sa kanya, ito ay isang revelations from God through seven of His holy angels namely: Michael, Gabriel, Raphael, Uriel, Chamuel, Jophiel and Zadkiel.

Ang halaga ng pagkakalimbag niya sa aklat na ito umabot ng P1,980,000.00 noong February 26, 2008.

Una itong na-publish sa United States of America noong November 1996. Balita namin ay kumakalat na rin ito bandang Europa.

Goodluck, Engr. Manuel Pablico and God Bless!

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply