Nagkalat ang mga vendor sa footbridge sa Bicutan

WOW, hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang nagkalat na mga vendor sa footbridge o sa overpass diyan po sa Bicutan, Taguig  mula sa  palengke hanggang sa SM.

Ano ba naman ‘yan?

Halos ilang taon na rin nating inuupakan sa ating kolum  ang nagkalat na mga vendor sa lugar na ‘yan pero bakit tila untouchable ang mga ito ?

Magkano ba ang lagay ng mga vendor na ito sa mga kinauukulan kaya kahit nakapeperwisyo na ang mga ito sa daraanan ng mga tao ay dinededma lamang ang mga ito?

Bakit  at anong mayroon sa mga vendor  at ganito na lang sila binibeybi ng mga kinauukulan?

Hindi tayo against sa mga vendor.

Ang punto lang natin  ay iparating  sa kanila ang mga reklamo sa kanila.

Basahin natin ang nilalaman ng reklamo.

Sir Johnny, magandang gabi po. Nais ko lang sana na ireklamo sa inyo ang tungkol sa mga vendor dito sa footbridge o over pass ng Bicutan, Taguig from palengke to SM. Sobrang dami at nagsisiksikan na ang mga dumaraan at nakasasagabal na ang nagkalat na mga vendor.

Sa araw-araw na lang na dumaraan ako sa lugar na ‘yan, lagi kong nakikita ang nagkalat na mga vendor. Pag nasagi mo sila ay sila pa ang galit. Matatapang sila at kukuyugin ka pag inaway mo sila.

SEX-TRADE SA LAPU-LAPU PADER

Wala pa ring tigil sa operasyon ng sex trade ang Lapu-lapu Sauna sa Buendia St., Pasay City.

Palibhasa walang ipinagmamalaki ang may-ari ng nasabing sauna bath kundi si Pasay City Mayor Antonio Calixto.

Ipinangangalandakan ng may-ari ng sauna ang pinsan ni Mayor Calixto na si Man-dy Bernabe na binibigyan nila ng lingguhang I.N.T.

Kaya super lakas sila kay Mayor Calixto. Oo nga.

Anoman ang reklamo o puna, i-text lang sa 0918-9274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog @yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply