Nagsawa na sa Kapuso Network!: Dingdong Dantes gustong tumapak sa Kapamilya Network

KUNG hindi kami nagkakamali, magdadalawang dekada na si Dingdong Dantes sa Kapuso Network. Mid 90’s pa madalas nang mapanood si Dong bilang miyembro ng Abstract Dancers sa show ni Kuya Germs na Germs Special. Then napasama siya sa ilang mga youth-oriented TV program kung saan nagkakilala sila ng kanyang dating girlfriend na si Antoniette Taus na matagal na panahon rin niyang nakalabtim. Then, nang naging isang ganap na actor na si Dong ay nabigyan na siya ng mga fantaserye at teleserye na siya ang bida o kaya leading-man ng mga bidang babaing artista tulad ng real-girlfriend niyang si Marianita Rivera.

Pero knows nyo ba na kahit very loyal ang binata sa GMA-7 ngayong may movie silang pinagsasamahan ni Kris Aquino entitled “Segunda Mano” na pinagtulungan nilang i-produce ng leading-lady niyang si Kris at ng GMA-Films. Type rin pala ni Dong na hindi lang sa kanyang mother studio mai-promote ang nasabing filmfest entry nila ni Tetay sa darating na Metro Manila Film Festival kundi makatungtong rin sa Kapamilya Network para magkatulungan sila ng Queen of All Media na mai-plug ang kanilang movie.

Aba! Pang-ABS-CBN naman talaga ang dating nitong si Dingdong. Agree gyud!

***

Enchong Dee, Erich Gonzales close na sa ‘Maria La Del Barrio’

KUNG dati, dahil sa pang-aaping kanyang naranasan at ng namayapang ina-inahan na si Casilda (Ai-Ai delas Alas) mula sa kamay ng contravidang Mommy ni Luis Dela Vega (Enchong Dee) na si Victoria played by Angel Aquino, na pati si Luis ay hate na hate niya dahil pinag-iisipan siya ng binata ng masama, ang tanging alam lang ni Maria Hernandez (Erich Gonzales) na kakampi nito sa buhay ay ang Daddy ni Luis na si Feranando (Ian Veneracion) na mula pagkabata ay minahal na siya.

Ngayon, dahil sa sinserong paghingi nang tawad sa kanya ni Luis ay close na close na dalaga rito.

Nagtatrabaho na ito ngayon sa Furniture Company na pag-aari ni Luis. Si Maria na rin ang pinagkakatiwalaan ng guwapong binata sa negosyong ito at pinamamahala sa design ng furniture products.

Dahil sa nakarating kay Victoria ang lahat ng ito ay galit na galit siya ngayon kay Maria at may maitim na namang binabalak sa inosenteng dalaga. Ginugulo rin si Maria ng ex-girlfriend ni Luis na si Paw Diaz.

Kayanin na naman kaya ni Maria ang mga darating pang pagsubok sa buhay niya? Maging sila na kaya ni Luis na may lihim na pagmamahal sa kanya?

Abangan ang lahat ng ‘yan sa Maria La Del Barrio na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa Dos bago mag-TV Patrol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply