Nagtampo kay nanay, anak nagpakamatay

ISANG 12-anyos na batang lalaki ang nagpakamatay ng dahil lamang sa sobrang tampo sa kanyang nanay sa Palawan, iniulat ng pulisya kanina.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, nakita na lamang na nakabigti ang biktimang itinago sa pangalang “Junnie” ng bayan ng Aborlan, Palawan.

Sa imbestigasyon, lumalabas na nagtampo ang anak sa kanyang ina kaya nagawa nitong magbigti gamit ang lubid na itinali sa kanyang leeg.

Nabatid na hindi pinayagan ng kanyang ina na pumasok ang bata sa kanyang eskwelahan at malimit din itong pinagagalitan ng magulang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply