Nagwelgang PAL employees hindi na papapasukin sa trabaho

HINDI na papapasukin sa trabaho ng pamunuan ng Philippine Airlines (PAL) ang kanilang mga manggagawang nagwelga ngayon kaya nakansela ang halos 100 domestic at international flight.

Sa panayam, sinabi ni Jaime Bautista, presidente ng PAL, na ibibigay na lamang nila ang sweldo ng naturang mga manggawa hanggang Setyembre 30 at hindi na pagtatrabahuhin para hindi na makaapekto sa mga pasahero ng airline.

Ayon kay Bautista, sa katapusan pa ng buwan dapat tatanggalin ang mga manggagawa dahil sa ipatutupad na outsourcing.

Pero dahil sa ikinasang welga ng grupo kahapon (Setyembre 27) ay papapasukin na nila ang kanilang mga kinuhang service provider, na dapat ay sa Oktubre 1 pa magsisimula.

Samantala, tuloy na muli ang biyahe ng sampung domestic flight kabilang na ang biyaheng Davao, Cebu, Kalibo at Bacolod.

Bukas naman ay itutuloy na ang 20 major international flight.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply