Nailabas na salary loan ng SSS tumaas

IPINAGMALAKI ng Social Security System (SSS) na tumaas ng 51 porsiyento o umaabot sa P1.76 bilyon ang naipalabas na salary loan ng SSS members sa mga lalawigan sa Luzon sa unang kalahati ng taong 2011.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emilio de Quiros, Jr., may mahigit sa 126,000 members sa Luzon ang nabigyan ng pautang mula Enero hanggang Hunyo 2011 na mas mataas ng 38 porsiyento sa kaparehong period noong 2010 na umaabot lamang sa 91,300 loan borrower.

“Salary loans are a privilege of members who are in good standing with SSS. We urge members to ensure they have up-to-date contributions and loan payments so they can avail of a salary loan for their short-term credit needs,” pahayag ni De Quiros.

Ang bawat SSS member ay maaaring makautang ng hanggang P24,000.

Upang maging eligible sa pautang, kailangan ang isang miyembro ay may 36 na monthly contributions at walang overdue salary loans.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply