Nakaambang VAT sa toll pinakakansela ng solon

ISINULONG sa Kamara de Representantes ang isa pang panukalang batas na maglilibre sa ipinapataw na value added tax (VAT) sa toll fee.

Bunsod na rin ito ng napipintong pagpapatupad ng dagdag na singil sa toll sa unang araw ng Oktubre sa South Luzon Expressway (SLEX) at North Luzon Expressway (NLEX).

Ito na ang ikalawang panukalang batas na nagpapa-amyenda sa National Internal Revenue Code upang alisin ang VAT sa toll fee kasunod ng unang inihain ni 1-UTAK Partylist Rep. Homer Mercado.

Ayon Bayan Muna Rep. Teddy Casino, may akda ng panukala, masyado nang maraming buwis ang binabayaran ng publiko at ang panibagong dagdag na singil sa toll ay lalo lang makabibigat sa pasanin ni Juan dela Druz.

Katuwiran ni Casiño, kahit pa kumita ang gobyerno ng tinatayang P3 bilyon bawat taon mula sa VAT sa toll ay magiging matindi naman ang epekto gaya ng pagtataas sa singil sa pasahe at presyo ng mga bilihin.

Umaapela si Casiño na aksyunan ang panukalang ito dahil obligasyon ng Kongreso na magsabatas ng economic relief sa gitna ng kaliwa’t kanang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at mga serbisyo.

Bilang protesta naman sa dagdag singil sa toll ay nakatakdang magwelga ang mga bus operator, na ang mga bus ay dumadaan sa SLEX at NLEX.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply