Nakaapekto sa ‘Thelma’ ang mga kaguluhang kinasangkutan ni Maja!

SABI nga ng namayapang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. sa mga artista na may kasamang alalay (ngayon ay road manager na kung tawagin) ay mas mayayabang pa ito sa kanilang mga amo.

Muli namin itong napatunayan nang makita at marinig namin ang pagtataray ng road manager (alalay) ni Maja Salvador sa isang reporter at kasama nitong TV crew para mag-interview sa controversial ngayong aktres at lead star ng “Thelma.”

Nangyari ang pagtataray ng alalay ni Maja pagkatapos ng premiere night ng Thelma sa Cinema 2 ng Greenbelt 3, Makati.

Lumapit ang reporter kay Maja at bago pa ito makalapit ay nakataas ang kilay nitong alalay sa reporter at sinabihan na: “Thelma lang pag-uusapan! Kapag may ibang topics, babarahin kita!”

Nagulat kami na pababa ng sinehan para lumabas sa pagtataray nitong road manager raw (alalay) sa pobreng reporter na hindi kaagad nakapag-react dahil sa pagkabigla na babastusin pala siya ng isang alalay.

Sabi tuloy ng ilang reporter na nakakita rin ng pagtataray ng alalay ni Maja: “Walang karapatang magtaray ang isang road manager.

Alalay lang siya na pinaganda lang ang tawag sa kanila. Dapat alerto siya sa pagbibigay ng panyo or tissue sa kanyang amo at laging handa sa pagdadala ng bag para handa kung may kukunin sa bag nito.

“Magpunas na lang siya ng pawis at magdala ng bag nang amo. Hindi yung feeling manager siya ng artista. Wala siyang karapatang magtaray no!”

Alam kaya ni Maja ang hindi magandang attitude ng alalay?

Anyway, bago nagsimula ang premiere night, nakatsikahan namin si Direk Paul Soriano.

Bakas ang kasiyahan ni Direk Paul sa resulta ng pelikulang idinirek. Binigyan pa ito ng Rated A, ng Cinema Evaluation Board, meaning maganda ang Thelma na dapat panoorin.

Ask namin si Direk Paul kung sa tingin niya makakaapekto sa movie ang gulong kinasangkutan ni Maja sa ginanap na Star Magic Ball?

“Sana hindi makaapekto. Sana makatulong. Pero importante, matapang ang bida namin sa Thelma (Maja) dahil nang kumustahin ko siya, okey naman,” say ni Direk Paul.

Ask namin uli si direk, kung anong reaction niya na gumigimik lang daw si Maja para mapag-usapan ang pelikula?

“No! Hindi ito gimik. Gimik ba yung nag-away ang dalawang actor? Sa tingin ko parehong may kasalanan yung dalawang nag-away,” say pa ni Direk Paul.

Sa Sabado, magiging mahadera ang mga tauhan ng “Spooky Nights Presents: Munting Mahadera” ng GMA 7.

Napapanahon ang horror-comedy program na ito dahil bukod sa spoof ito ng Munting Heredera ng GMA Telebabad, tinatalakay din sa show ang relasyon ng mag-ina at mag-lola kasabay ng pagsapit ng Grandsparents Day.

Muling pinatunayan ni Roderick Paulate ang galing sa pagpapatawa at pagiging maldita naman ng batang si Calilla na napansin ang galing sa acting kahit na isang musmos na bata pa ito sa last episode ng Munting Mahadera pagkatapos ng “Manny Many Prizes” sa GMA 7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply