Nakalilito: Ang daming kamuha ni IC Mendoza

PAMINSAN-MINSAN napapanood namin ang replay ng “Juicy Express” sa hatinggabi, at napupuna naming parang nagiging kamukha na ni IC Mendoza si Vice Ganda. Mukhang mas bata at mas magandang Vice Ganda si IC, ang anak ni Dolly Ann Carvajal, na anak naman ng yumaong Reyna ng Showbiz Talk Shows na si Inday Badiday (also known as Ate Luds and Lourdez Carvajal).

O mas si John Lapus ba ang kahawig ngayon ni IC, na ang ama ay ang basketbolista noon na si Eddie Boy Mendoza? O mas si Becky Mon ba na paminsan-minsan ay napapanood namin na naggi-guest host sa “MU Live” sa ABS-CBN?

Naku, nalilito na yata kami kung sino sa paningin namin ang nagiging kamukha ni IC! Dapat siguro ay dalasan namin ang panonood ng Juicy Express. Baka naman sa kapapanood namin ay ma-realize din namin na si Dolly Ann pala ang talagang kamukha ni IC. Pero gaano man kami malito, di naman siguro kami aabot sa puntong ang tingin na namin kay IC ay kamukha na ni Ogie Diaz (pwede pa sigurong humawig siya kay Luis Manzano, pero di kay Ogie!).

Naku, makatulog na nga! Baka kulang lang kami sa tulog kaya kung sinu-sino na ang nai-imagine namin na nagiging kamukha na ni IC.

***

SIKAT na kaya sa buong Asia si Angel Aquino?  Mas sikat pa kay Christian Bautista na may show sa Singapore na supposedly ay ipinapalabas sa maraming bansa sa Asia?

Nagkakakutob kami nang ganyan dahil si Angel Aquino lang ang artistang Pinay na napapanood sa Asian Food Channel (AFC) –kasama ang Pinoy chef na si Bruce Lim.

Kung di n’yo pa nararanasang manood sa AFC (na nasa channel 22 sa Skycable), halos lahat ng palabas du’n ay may kinalaman sa pagkain, pagluluto, pagpapatakbo ng resto -ran.

Gayunpaman, may ilang shows na may variation, at isa nga ru’n ay ang Tablescapes na kumbinasyon na cooking at travel show, at ipinapalabas tuwing Lunes, 9 p.m. Itinatampok sa show ang mga pagkain, lutuin, at kultura sa iba’t ibang rehiyon at probinsyana ng bansa, pati na sa mga tourist spot natin. Si Angel ang in-charge sa pag-iinterbyu tungkol sa kultura at features ng tourist spot. Si Bruce naman ang in-charge sa pagluluto, at paminsan-minsan ay sa pag-a-anotate ng mga ginagawa ng kung sino mang nagluluto.

We’re assuming na tuwing ipinapalabas sa AFC ang Tablescape sa Pilipinas, ipinapalabas din yon sa Singapore (kung saan nakabase ang AFC) at sa iba pang bansa sa Asia. (Actually, may Filipino shows sa Lifestyle channel–na ang ABS-CBN ang nag-o-operate sa bansa–na sa Pilipinas lang ipinapalabas, at hindi pati sa ibang bansa).

Actually, pagtuntong ng 10 or 11 p.m., sa AFC shows na kami madalas nakatutok, at inaabot kami ng madaling araw sa panonod. Mahilig kaming magluto para sa aming sarili at para sa isa o dalawang kaibigan o kamag-anak (di namin hilig magpakain ng maraming tao, dahil masyadong matrabaho yon).

Kahit na po Asian Food Channel ang pangalan ng nasabing network, iisa lang talaga ang show ru’n na mula sa Pilipinas at tungkol sa pagkaing Pilipino. Maraming shows sa AFC na galing sa Malaysia at Singapore, pero meron ding galing sa Australia, Canada, England, France, Japan, Scandinavia, Mexico, at United States.

Oo nga pala, may dalawa o tatlong pagkakataon na naitampok sa Dining with Death ng AFC ang Pilipinas. Du’n yon sa episodes tungkol sa gulay na bataw, sa bayawak at pawikan. Nakakalason daw ang mga nasabing pagkain.

Ayon sa isang episode, ang bataw raw ay may cyanide at kaya lang daw walang napapabalitang namamatay sa pagkain ng bataw dito sa atin ay dahil ilang piraso lang naman nito ang inilalahok sa ibang gulay. At yun namang mga kumakain ng ulam na panay bataw, halimbawa’y ginatang bataw, inilalaga muna nila ito, at hinuhugasan uli bago lutuin sa gata. Nawawala ang cyanide dahil sa paglalaga at paghuhugas ng maraming ulit.

Oo nga pala, nabanggit din ang Pilipinas sa Dining with Death du’n sa episode tungkol sa umano’y pagiging mapanganib sa kalusugan ang pagkain ng prutas na balimbing, lalo na du’n sa mga may diprensya sa kidney. May substance umano sa balimbing na nakakapagpalala sa mga may diprensya na sa kidney.

Sori po at hindi kami nagkapanahon na mag-research sa Internet kung anu-ano naman ang sinasabi ng ibang health authorities tungkol sa supposedly toxic substances sa bataw, balimbing, bayawak at pawikan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply