Nakalulon ng isdang buhay: binata tepok

HINIHINALA ng pamilya ng isang binata na naengkanto ito kung kaya namatay makaraang makaraang makalunok nang buhay na isda na solefish sa Negros Occidental.

Kinilala ang biktima na si Jestoni Miranda, 19, ng Brgy. Zone 6, Cadiz City na sinasabing nanghuli ng isda sa dagat kasama ng mga kaibigan at aksidenteng nalunok ang nahuling isda na kaniyang kinagat dahil may hawak pa itong isa.

Dahil dito, kaagad isinugod ang biktima sa pagamutan at makatatlong beses na isinailalim sa x-ray upang makita ang nalunok na isda ngunit walang nakita ang mga doktor at binawian din ng buhay.

Nabatid pa na maging ang oxygen ay hindi pumapasok sa kaniyang baga kung kaya’t parang namaga ang katawan nito dahil sa kaniyang balat pumapasok ang naturang elemento.

Dahil sa misteryosong pagkamatay ng biktima, naniniwala ang pamilya nito na may kakaibang nilalang ang may kinalaman sa naturang pangyayari.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply