Nakamamatay na bakterya ibinabala ng DoH

ISINARA muna sa publiko ang isang ward sa Diosdado Macapagal Memorial Hospital (DMMH) sa Pampanga para masawata ang pagkalat ng mapamuksang bakterya na dala ng isang pasyente roon.

“The hospital shut down the ward after a patient was diagnosed with “pseudomonas aeruginosa bacteria”, ayon sa pahayag ni Dr. Eddie Ponio ng DMMH.

Ang bakterya aniya ay maaaring samantalahin ang kahinaan ng immune system ng isang taong may sakit at pumapasok sa katawan sa pamamagitan ng ‘open wounds.’

Pagkatapos nito, pahihinain ng bakterya ang katawan ng isang tao hanggang sa mamatay.

“’Yung mismong pasyente na nagkaroon ng pseudomonas, burn patient ‘yun e, mahina ang resistensiya. Sila talaga ang pinapasukan ng pseudomonas,” dagdag pa ni Ponio.

Inilipat naman agad ang ibang pasyente sa kalapit na ospital para huwag mahawaan ng nasabing bakterya.

“Dati we are implementing 70 to 80. Ang average namin 100,” pahayag naman ni Dr. Demetria Barin, director ng Escolastica Romero Hospital.

Samantala, pinayuhan ng Department of Health (DOH), ang iba pang mga ospital na maging alerto at vigilant dahil mahirap ma-detect ang pseudonomas.

“Mayroon tayong tinatawag na infection control committee. Kung may ma-detect man silang problema ng pseudomonas, e mai-a-address nila kaagad,” pahayag ni Dr. Lyndon Lee Suy, program manager ng Emerging and Re-emerging Infectious Diseases ng DOH.

Ikinasa naman agad ng mga opisyal ng DMMH ang disinfection procedure sa naturang ward upang mapatay sa lalong madaling panahon ang natrang mapamuksang bakterya.

Gayunman, hindi pa nila alam kung kailan sila magbubukas sa publiko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply