Nakiisa sa transport strike: Mga estudyante nag-planking sa kalsada

BILANG pakikiisa sa transport strike, nagsighiga ang mga militanteng estudyante sa kahabaan ng España Boulevard sa Maynila.

Ito ay upang hikayatin ng mga miyembro ng League of Filipino Students (LFS) at Anakbayan ang mga jeepney driver na sumama na sa tigil pasada na nagdulot naman ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Pinakiusapan naman ni Manila Police District (MPD) Station 4 Superintendent Jemar Modequillo ang mga estudyante na itigil na ang kanilang ginagawang “planking” at agad namang sumunod ang mga ito.

Nabatid pa na nagsagawa rin ng protesta ang dalawang grupo sa Philcoa, Quezon City at inokupahan ang dalawa hanggang tatlong lanes ng Commonwealth Avenue patungong Quezon Memorial Circle na nagdulot ng pagbagal nang husto ng daloy ng trapiko.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply