Nambugbog ng ina, nagpatiwakal sa selda

HINDI nakayanan ng isang anak ang labis na kahihiyan nang walang awang bugbugin ang sariling ina kaya nagpasyang kitlin na lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanyang selda sa Camarines Sur sa ulat ng pulisya nitong Linggo.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, ito ang nakikitang dahilan ng mga imbestigador sa  pagpapakamatay ni Richard Clar Y Nicolas, 23-anyos, kahapon, Setyembre 24.

Una rito, sinasabing dahil sa sobrang kalasingan ng binata ay nagwala ito at walang pakundangang binugbog ang kanyang nanay na si Edith Clar, 59, na nagkaroon ng blackeye.

Sa pagsisiyasat ng Ragay PNP, hindi umano makapaniwala ang biktima sa nagawang pananakit sa kanyang ina matapos magwala dahil sa sobrang kalanguan sa alak.

Sa pahayag ni P/Sr. Insp. Samuel Alforte, hepe ng  PNP Ragay, hindi umano makapaniwala ang lalaki sa kanyang nagawa makaraang mawala ang pagkalasing nito.

Nabatid pa na mismong ang lubid na unang ginamit sa paggapos ng mga barangay officials upang makontrol ang suspek sa kanyang pagwawala ang siya ring ginamit ng biktima sa kanyang pagpapatiwakal.

Nakatakda sanang sampahan ng kasong serious physical injury ang lalaki subalit laking gulat ng awtoridad nang madiskubre ang nakabiting bangkay ng kanilang suspek sa loob ng CR.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply