Nanapak na kongresista ipinasususpinde

KINAKAILANGANG maghain muna ng pormal na reklamo sa ethics committe ng Kongreso ang nagrereklamo laban sa kongresista na nanapak sa kanya kamakailan.

Ito’y kaugnay sa pananapak ni Lanao del Sur Rep. Mohammed Hussein Pangandaman sa guwardiyang si Ricardo Bonayog ng Technohub, sa UP Diliman.

Sinabi ni House Majority Leader Boyet Gonzales, hindi nila maiimbestigahan si Pangandaman sa Committee on Ethics and Privileges hanggat walang reklamong isinusumite si Bonayog sa komite.

Pero sakaling mapapatunayan aniya na totoo ang alegasyon, maaaring maharap si Pangandaman sa suspensiyon o ma-expelled.

Dagdag pa ni Gonzales na karapatan ni Pangandaman na ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa akusasyon at bibigyan pa nila ng oras na makapagpaliwanag.

Ayon naman kay Supt. Osmundo de Guzman, hepe ng QCPD Station 9, sa ngayon aniya ay naka-blotter lamang sa kanila ang kaso kung kaya hindi rin  sila makagawa ng aksiyon laban sa kongresista.

Kaugnay nito, pinangralan pa ni Gonzales ang kanyang mga kabaro na maging maingat sa pagtrato sa mga guwardiya, dahil mahirap aniyang makipagtalo sa security guards dahil may mga boss aniya ang mga ito na sinusunod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply