Nanggahasa at pumatay ng dyowa nagbigti

DAHIL ayaw makulong ng habambuhay, nagbigti sa pamamagitan ng pagpalupot ng strap ng bag sa leeg ang isang presong may kasong panggagahasa at pagpatay sa kanyang sariling nobya sa Ormoc City.

Idineklarang dead on arrival sa Ormoc City District Hospital sanhi ng asphyxia o kawalan ng hangin sa baga si Marlito Castillano, 21, ng Mahayhay, Matika-a Ormoc City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natuklasan ang pagpapakamatay ng biktima dakong 2 ng madaling-araw kanina sa loob ng Ormoc City Police Station 2.

Ayon sa mga kasamahang preso, bago ang krimen ay napansin nilang balisa at hindi mapakali ang biktima.

Maya-maya lamang, nadiskubre na lamang na nakabitin sa kanyang selda ang biktima nang mag-ikot ang mga pulis para sa kanilang routine inspection.

Ikinulong ng pulisya si Castillano noon pang Hunyo 23 dahil sa tangkang paggahasa at pagpatay sa kanyang sariling nobya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply