Nanghablot ng hikaw kinuyog ng mga vendor

KINUYOG ng mga vendor ang isang 31-anyos na lalaki matapos itong manghablot ng gintong hikaw ng isang matandang babae habang namimili sa Divisoria nitong Sabado ng umaga, Setyembre 10.

Hawak ngayon ng Manila Police District-Station 11 ang suspek na nagtamo ng pasa sa mukha na si Rudy Lumacad, sidecar boy ng Mabuhay st., Tondo, Maynila.

Dakong alas-11:00 ng umaga nang makorner ng  mga vendor sa Divosoria ang suspek matapos nitong hablutin ang gintong hikaw ni Pacita Afos,74, tubong Danglas, Abra at nakatira sa 55  West Point, Cubao, Quezon City.

Nabatid sa PCP Juan Luna sakop ng Station 11  na namimili ang biktima kasama ang kanyang dalawa pang kamag-anak sa lugar nang bigla na lamang lumapit sa kanila ang suspek at mabilis na pinitas ang hikaw ni Afos.

Dahil sa pagkabigla ay napasigaw ang biktima na nakaagaw pansin sa mga vendor sa lugar kaya hinabol ang suspek at pinagtulungang bugbugin.

Tumutulo pa ang dugo sa tenga ng biktima na halos hindi pa makausap dahil sa pagkabigla at napag-alamang may sakit ito sa puso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply