Nasirang sea wall sa Manila Bay inaayos na

NAGTULUNG-TULONG ang iba’t ibang ahensya ng local at national government para sa pagsasaayos ng nasirang sea wall ng Manila Bay sa pananalasa ng bagyong Pedring.

Puspusan na ang pag-aayos sa naturang sea wall na pinangungunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang City Engineer’s Office.

Matatandaan na nasira ang nasabing sea wall nang hambalusin ito ng malalaki at malalakas na alon na tinatawag na storm surge dahil sa malakas na hangin na ibinuga ng bagyong Pedring sa Manila Bay.

Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Maynila na bumigay ang 40 metrong bahagi ng sea wall na nagdulot ng baha sa Roxas Boulevard hanggang sa Taft Avenue.

Bukod aniya sa patitibayin ang sea wall ay pagagandahin na rin ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply