National Teachers’ Month simula ngayon

IDINEKLARA ni Pangulong Benigno  “PNoy” Aquino III na mula ika-5 ng Setyembre hanggang ika-5 ng Oktubre ng bawat taon bilang “National Teachers’ Month (Pambansang Buwan ng mga Guro).”

Nilagdaan ang Proclamation No. 242 noong Agosto 24 ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr. upang mabigyang buhay muli ang imahe ng pagtuturo bilang bokasyon sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kamalayan sa publiko sa halaga ng mga guro sa lipunan sa Pilipinas at pambansang pag-unlad.”

Sinabi ni Pangulong Aquino na pinili ng United Nations Education, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang ika-5 ng Oktubre ng bawat taon bilang World Teachers’ Day, na isang araw upang ipagdiwang ang pinakamahalagang papel na ginagampanan ng mga guro sa pagsubaybay sa mga bata, kabataan at nasa gulang (adults) sa pamamagitan ng mahabang proseso ng pag-aaral (life-long learning process).

Binigyang diin ng Pangulo ang pangangailangan upang makalikha ng malawakang kamalayan at suporta para sa World Teachers’ Day dito sa Pilipinas.

Sinabi ng opisyal na maaaring magamit ang okasyon upang ipagdiwang ang natatanging papel at serbisyo na ginagampanan ng mga guro sa pagsubaybay sa mga pamilya, pagpapalakas ng mga komunidad at pagbuo ng bansa.

Anya, upang makapag-ambag sa paglago at pag-unlad ng propesyon sa pagtuturo sa bansa pati na rin ang pagpapahayag sa publiko ng pagpapahalaga sa mga guro, aktibo man o retirado, naisip ang Teacher’s Month Campaign (TMC) noong Hulyo 2008 ng Metrobank Foundation, Inc. (MBI), Dela Salle Philippines (DSLP), Philippine Business for Education (PBEd), at Campaign Social Response (CSR), na may espesyal na partisipasyon ng Department of Education (DepEd) at suporta ng mga key business institutions.

Sinabi ng Pangulo na ang kampanya ay nakalikha ng karagdagang suporta mula sa pamahalaan, pribadong kumpanya, at pangunahing mga samahan noong 2009 at 2010.

Inilabas niya noong ika-1 ng Oktubre 2010 ang Presidential Proclamation No. 41, na idinideklara na ang unang Biyernes ng Setyembre hanggang Oktubre 5, 2010 bilang National Teachers’ Month (Pambansang Buwan ng mga Guro).

Sa paglagda ng Proclamation 242, ipagdiriwang na ng bansa ang National Teahers’ Month taun-taon.

Itinagubilin din ng Pangulo sa lahat ng mga kagawaran, mga ahensiya ng pamahalaang nasyonal, sa iba’t-ibang local government units (LGUs), pribadong sektor at sa publiko upang aktibong makilahok at suportahan ang mga gawain at mga programa para sa pagdiriwang ng okasyon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply