Navotas, Malabon nasa state of calamity

INILAGAY na ang Navotas at Malabon City sa State of Calamity matapos salantain ng Bagyong Pedring.

Nabatid kay Navotas Mayor John Rey Tiangco, aabot pa sa 1,500 pamilya ang nasa evacuation center matapos lumubog sa tubig baha at ang ilang ay nawasak ang mga tirahan matapos salantain ng bagyong Pedring.

Tiniyak naman ni Tiangco na mabibigyan ng tulong na pagkain, damit at medical assistance ang mga pamilya na nasa 15 evacuation center.

Naglagay na rin ng booth sa tapat ng City Hall ng Navotas na maaaring pagdalhan ng mga gustong tumulong na magbigay ng pera, pagkain o gamit.

Samantala, inalagay na rin sa state of calamity ang Malabon City matapos lubugin ng baha ang maraming residente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply