NBA games kanselado

NAGPAHAYAG ang National Basketball Association (NBA) kahapon na ipinagpaliban na nito ang training camps at kinansela ang unang linggo ng preseason games dahil na rin sa hindi mapagkasunduang bagong collective bargaining agreement sa mga atleta.

Ayon sa NBA, ang camps na itinakda sana na magbubukas ngayong October 3 ay na-postpone nang walang katiyakan kung kailan itatakda uli at ang gayundin ang 43 preseason games sa October 9-15.

“We have regretfully reached the point on the calendar where we are not able to open training camps on time and need to cancel the first week of preseason games,” wika ni NBA Deputy Commissioner Adam Silver sa isang statement. “We will make further decisions as warranted.”

Mula nang bumagsak ang negosasyon at ma-lock out ang mga player noong July 1, ilang beses na ring naipagpaliban ang programa.

Ayon sa NBA owners, lugi ang liga ng $300 million sa nakaraang season na taglay ang 22 sa 30 teams,

Nais ng mga ito na mag-ambag ang liga sa basketball-related income nito ng mula 50 hanggang 57 porsiyento, kasama na rin ang firm salary cap at mas maikling contracts.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply