NCR police naka-alerto sa banta ng terorista

NAKA-ALERTO ngayon (Lunes, Setyembre 5) ang puwersa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) kaugnay sa banta ng terorista sa bansa, ito’y kaugnay sa paggunita sa ika-10 taong anibersaryo ng malagim na 9/11 (September 11) terror attack sa America.

Maging sa secondary road ay naghigpit na rin ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa mga checkpoint upang makatiyak na walang makalulusot na terorista na lilikha ng karahasan sa buong Metro Manila.

Una rito, iniutos ni NCR police chief Director Alan Purisima na paigtingin pa ang intelligence gathering upang matukoy ang banta ng mga terorista lalo na sa mga dayuhan at US citizens na nasa bansa.

Matatandaan na nitong nakaraang linggo lamang ay naglabas ng travel alert ang Estados Unidos sa American nationals sa abroad dahil sa patuloy na banta ng teroristang Al-Qaeda.

Nilinaw naman ng NCRPO na wala pa silang namo-monitor na umiiral na Al-Qeada operatives sa Metro Manila, gayunman hindi pa rin dapat ito isantabi dahil kaalyado nito ang bandidong Abu Sayyaf.

Bagama’t hindi nagtaas ng alert level para sa mga pulis, pinaigting naman ng NCRPO ang vigilance para sa maiwasan ang bantang karahasan

Samantala, muling nagpaala ang US Embassy na walang opisina ngayong araw at iba pa nilang tanggapan sa bansa dahil sa selebrasyon nila ng Labor Day na isang American holiday.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply