NDRRMC: 3 nawawala sa Quezon

TATLO katao ang naiulat na nawawala sa lalawigan ng Quezon. Ito ay ayon mismo kay Civil Defense Region 4-A head Vicente Tomazar.

Dalawa sa mga ito ay nawawala sa Ragay Gulf sa San Narciso at sa bayan ng Alabat. Isang nagngangalang Eddie Murphy umano ang nawawala sa Alabat.

Pansamantalang walang kuryente ang mga lalawigan ng Quezon at Laguna. Partikular ang mga bayan ng Real, Infanta at Nakar sa Quezon, samantalang ang mga bayan ng Pila, Sta. Maria, Sta. Cruz, Pagsanjan, Pangil, mabitak, Pakil, Siniloan, Lumban at Kalayaan ay pinutol na ang supply ng kuryente simula pa kagabi dahil sa lakas ng hangin.

“Dito sa nabanggit na bayan kagabi 9 p.m. malakas ang hangin, sumasama sa kanila kaya minarapat magkaroon ng power interruption”, ayon kay Tomazar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply