NDRRMC naka-red alert pa rin

PATULOY na naka-red alert ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa bagyong Quiel.

Ayon kay Benito Ramos, executive director ng NDRRMC, ngayong araw sana ibababa ang alerto dahil nakalabas na ang bagyong Pedring subalit hindi na nila ito ibinaba dahil sa pagpasok ng panibagong bagyo.

Nakiusap si Ramos sa publiko na agad tumalima sa mga panawagan ng rescue units na lumikas na.

Ayon kay Ramos, kapag sumunod ang mga residente ay mababawasan ang bilang ng mga mapapahamak sa tuwing may bagyo.

Samantala, umabot sa P191 milyon ang pinsala ng bagyong Pedring sa agrikultura sa Cordillera Administrative Region (CAR), ayon sa ulat ni North Luzon Correspondent Romy Gole.

Sinira ng bagyong Pedring ang ilang imprastraktura sa lugar na siyang nagpapahirap sa mga mangangalakal na magbaba ng gulay mula sa Ifugao at Benguet.

Nananatiling sarado ang Bugnay Bridge na siyang nag-uugnay sa Ifugao at Nueva Vizcaya at ganoon din ang Benguet-Viscaya Road dulot ng mga gumuhong lupa na nakaharang sa nasabing kalsada.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply