Negosyante binoga, dedo

TODAS agad ang isang lalaking negosyante matapos itong patraydor na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang ang una ay sakay ng biseklita Martes ng madaling araw (Setyembre 13) sa Northbay Boulevard North sa Navotas City.

Hindi na umabot na buhay sa Tondo Medical Center ang biktima na si Ricky Avelita y Arag, 41, negosyante ng Market 2 Consignacion Navotas fishport sanhi ng tinamong tama ng kalibre .45 sa likuran at sa ulo.

Base sa ulat, alas-4:00 ng madaling araw, habang nagbibisekleta ang biktima nang biglang sumulpot mula sa likuran niya ang suspek at agad na pinaputukan siya nang malapitan.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek bitbit ang ginamit na baril, habang ang biktima ay agad na dinala sa nasabing pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang tunay na motibo sa nasabing krimen.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply