Negosyante dinukot sa Zamboanga Sibugay

DINUKOT ng mga hindi pa nakilalang lalaki ang isang 34-anyos na babaing negosyante sa Zamboanga Sibugay kahapon (Linggo, Setyembre 4), sa ulat ng pilisya ngayon.

Kinilala ang biktima na si Louisa Galvez Morrison, may-ari ng R.L Salon sa Barangay Magdaup sa bayan ng Ipil.

Ayon kay directorate for Integrated Police Operations-Western Mindanao, Police Director Felicisimo Khu, sapilitang isinakay ng mga hindi nakilalang lalaki ang negosyante sa isang mini-van.

Patuloy naman ang search and rescue operations ng mga awtoridad sa biktima na asawa ng isang dayuhan.

Inaalam na rin ng mga awtoridad kung may kinalaman ang mga miyembro ng Abu Sayyaf sa panibagong kaso ng pagdukot sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply