Negosyante hinoldap ng 6 na kalalakihan

NATANGAY ang isang linggong benta ng isang negosyante matapos na pasukin ng anim na kalalakihan ang RTW store ng una sa Caloocan City kagabi (Setyembre 19).

Pinaghahanap ng mga pulis ang suspek na si Ernesto Gutierrez at limang hindi pa nakikilalang kasama nito.

Sa pahayag ng biktimang si Joselito Fajardo, 32, dakong alas-6:30 ng gabi nang papasara na ang kanilang tindahan sa Malolos Avenue, Bagong Barrio ng lungsod nang pasukin ng tatlong kalalakihan habang nasa labas ang tatlo pa sakay na sakay ng tatlong motorsiklong hindi nakuha ang plaka.

Tinutukan umano ng baril ni Gutierrez ang biktima bago kinuha ang benta na aabot sa P112,000 at alahas na aabot sa P202,000.

Bago tumakas ay isa sa mga suspek ang nagpaputok ng baril sa ere.

Agad na nagsadya sa presinto ang biktima at positibong itinuro niya ang larawan ni Gutirrez sa photo gallery ng pulisya na siyang tumutok ng baril sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply