Nene hinalay sa damuhan ng trike driver

KULONG ang isang tricycle driver matapos halayin ang kapitbahay na nene sa damuhan sa Caloocan City kagabi (Miyerkules, Agosto 31).

Nakilala ang suspek na si Reynaldo Rodriguez, 58, ng Binangonan St., Maypajo ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 10, kapitbahay ng suspek, dakong alas-8:00 ng gabi, hinila siya ng suspek at dinala sa bakanteng lote sa Cainta St., Maypajo ng lungsod at doon hinalay.

Isang barangay tanod na hindi na nakuha ang pangalan ang napadaan at narinig ang pag-iyak ng biktima at nang tingnan ay nakita ang suspek at nene na nakahubad.

Naghinala ang barangay tanod na may masamang nangyari kaya sinita niya at dinala niya ang suspek sa presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply