NFA rice stock sapat bago matapos ang taon

TINIYAK ngayon (Biyernes, Setyembre 16) ng National Food Authority na may 60-araw na buffer stock ng bigas ang bansa.

Ayon kay NFA special assistant to the administrator Atty. Gilbert Lauengco, may sapat na stock ang bansa na maaring tumagal ng hanggang Disyembre at kayang matugunan ang 35,000 metric tons na daily requirement nito.

Aniya, may isang milyong metriko tonelada pa ang nakaimbak ngayon sa iba’t ibang warehouse sa bansa para tumugon sa mga pangangailangan ng mga residente doon.

Base sa talaan, Pilipinas ang pinakamalaking importer ng bigas sa buong mundo noong 2010 matapos itong makapagta ng 2.45 million metric tons.

Pero ayon kay Lauengso, matatapyasan ito ng halos kalahati sa importasyon ngayong taon dahil sa magandang ani ng mga magsasaka.

Una nang nagbabala ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa mga magsasaka na maghanda ng mga alternatibong pananim sa palay sa huling quarter ng taon dahil sa mas malalakas na bagyo na maaaring tatama bunsod ng nagbabadyang La Niňa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply