Nicanor Bartolome nanumpa na sa bagong ranggo

NANUMPA na ngayon si Philippine National Police (PNP) Chief Nicanor Bartolome bilang bagong director general na katumbas ng four-star rank.

Ang panunumpa ay pinangunahan ni Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Etta Rosales na idinaos sa Camp Crame.

Sa naturang pagdiriwang ay pinapurihan ng chairman ng CHR si Bartolome ukol sa pagpapakita nito ng pagpapahalaga sa karapatang pantao.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Bartolome na titiyakin niya ang pagpapairal sa maximum tolerance sa isinasagawang tigil-pasada, ngunit aniya, dapat na bantayan at bawalan ang sinumang lalabag sa batas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply