Nilapa ng STI Team ang Trace Stallions

SUMAMPA sa segunada puwesto ng ten-standings ang STI nang lapain ang Trace College Laguna Stallions sa iskor na 97-45 sa NAASCU basketball tournament sa University of Manila Gym sa Sampaloc, Manila kahapon (Biyernes, Setyembre).

Nilupig din ng Informatics ang St. Claire para makapantay ang STI, 7-2 slate na bumubuntot sa 7-1 win-loss record ng top team na University of Manila Hawks.

Nairehistro naman ng Our Lady of Fatima ang 6th win ng payukuin ang New Era College sa kanilang ikapitong pagkakalugmok sa iskor na 69-61.

Hindi naging kakulangan ang pagpapahinga ng maaga sa laro ni top STI gunner Maclean Sabellana na nasaktan sa mata sa isang rebound play sa 2nd quarter. Nakapag-ambag pa si Sabellana ng apat na puntos sa panalo ng 2010 finalist na pinadapa ng University of Manila Hawk sa pag-angkin ng titulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply