Nilunod ng Water Dragons ang Army Troopers

IPINATAKIM ang unang talo ng Army Lady Troopers sa quarterfinal round sa apat na set na 26-24, 25-18, 18-25, 25-18, ng Shakey’s V-League Open Conference sa The Arena sa San Juan City kahapon ng makatanghali (Linggo, Setyembre 4).

Ang kauna-unahang panalo ng Water Dragons ni coach Joseph Santos ay naghatid sa kanila sa 1-3 win-loss slate.

Sina Joy Cases at Mervic Mangill ang pumalo ng pinasgamahang 33 kills para sa 57-31 na pahirap sa Lady Troopers. Nag-total si Cases ng 21 hits. Si Silvi Artates ay tumapos ng 20, bukod sa mahigpit na depensa sa net na may walong  block.

Ang pambato ni caoch Rico De Guzman na si Rachel Ann Daquiz na nakapaglaro lang sa unang dalawang sets ay nakapuntos ng tatlo.

Haharap ang Maynilad laban sa San Sabastian (3-1) habang ang Air Force Airwomen at ang Ateneo Lady Eagles ay magliliparan bukas ng hapon (Martes, Setyembre 6) sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply