No bail sa misis na pumatay sa sariling mister sa mall

WALANG piyansa sa ginang na bumaril at nakapatay sa sariling mister sa  loob ng SM North sa Quezon City nitong nakalipas na linggo.

Ito’y matapos kasuhan ng parricide at murder sa Quezon City Prosecutors Office ang ginang na nakapatay sa kanyang sariling asawa at security guard ng isang mall sa loob ng SM north Edsa sa Quezon City.

Ayon kay chief Inspector Rodel Marcelo, hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, walang inirekomendang piyansa ang Quezon City Prosecutors Office Assistant City Prosecutor del Rosario laban sa suspek na si Shiela Bigting–Macapugay, 25, ng 304 Longos, Pulilan, Bulacan.

Si Bigting-Macapugay ay ipinagharap ng kaso matapos mabaril at mapatay ang asawa na si Abel Macapugay, 32, ng Hagonoy, Bulacan at promodizer ng Homeworld Appliance Center sa SM North Edsa na idineklarang dead on arrival sa pagamutan..

Matatandaang naganap ang krimen dakong 7:30 ng gabi sa basement ng SM North Edsa, QC nitong nakalipas na Miyerkules, Setyembre 14, 2011.

Lumalabas sa ulat na hiniwalayan umano ni Macapugay si Shiela noong Enero  2011 at nakisama umano sa ibang babae ang una.

Dahil dito, pinuntahan ng biktima ang mister sa trabaho nito sa basement ng mall at kinompronta hinggil sa kanilang relasyon ngunit nagmatigas umano ang lalaki na hiwalayan ang babae.

Dahil dito,bumunot ng kalibre .38 baril ang babae saka binaril sa ulo ang kanyang mister.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply